Untitled

di ko na maintindihan
ano tong nararamdaman
ako’y nagyo’y naguguluhan
pano kasi ika’y aking kaibgan

di ako makapwesto
kilos ko ba’y wasto?
sa mga pinakita ko sayo
talaga bang may pag asa ako?

ang hirap umabante
di na rin makaatras
itutuloy ko ba ito
o mananahimik nalang ako

di ko alam kung ako’y umuurong
sabi nila dapat sumulong
natakot akong iyong masaktan
dahil tingin mo sakin kaibigan lang

lam mo bang mahirap ito
pagkat di ko alam isasagot mo
pwede mo akong sagutin ng oo
pwede mo din paluhain ako

di naman ako sintunado
sa bagay na aaminin sayo
di ko alam ang tamang pwesto
sana maluwag pa sa puso mo

patawarin mo sana sinta
hindi ko talaga sinadya
ikaw pa tulo’y nadamay
sa puso kong nalulumbay

hindi ka na dapat pinaasa
puso tuloy nagluluksa
ngunit ano aking magagawa
damdamin ko’y di pa handa

patawad kung akoy naging pangarap
ngunit hirap nakong magpangap
siguro’y ako’y naging langit
ngunit sa puso ko, di kita masisingit

salamat sa dagliang panahon
puso ko’y inyong binangon
pagtapus kong umahon
iniwan ka’t ngayo’y nakabaon

sana di ka na hinawakan
lam ko namang ika’y bibitawan
nagun ikay nasasaktan
ang hirap mabuhay sa kasalanan

ano aking magagawa sinta?
kund di ko masabing mahal kita
di mo pa kayang higitan
ang pagmamahal ko sa nangiwan.

ako na nama’y nagising
na ika’y sa panaginip
lagi nalang bang ganito
isip laging nililito

di k naman mahawakan
ni hindi mahagkan
gabi gabi nahihirapan
lagi kang napapanaginipan

bat di pa tangapin ang totoo
na wala nako sa puso mo
pero panu ko tatangapin
pangakong magkabalikan din

nawawalan na ng pagasa
di ko na alam salitang “sana”
gusto ko ng oras ay umusad
pero alala mo ayaw pang lumakad

ganito nalang ba ako
buong buhay magtatanung
babalik k ba sa piling
o tumigil na ako sa pag hiling

bukas sana wala ng bagyo
bahag hari naman makita ko
upang sa sarili masasabi ko
nalagpasan ko ng lahat sayo.

meron palang tayong litrato
naka singit pa sa wallet ko
kulay nito’y mejo nakupas
kasabay ng panahon sati’y lumipas

biglang aking na-aalala
noon sati’y sobrangg saya
mejo bata ka pa sa litrato
di ko alam ilang taon ako dito

san ka n ba ngaun?
wala na kong balita sayo
alam mo ba na hangang ngaun
ikaw parin ang naiisip ko

gusto ko sanang maulit ang sandali
pag ibig nating natapus ng madali
na makita ka muli at aking susuli
ang nakatagong litratong naka kubli

sa kakatitig, aking napansin
noon pala’y di ka bagay sakin
swerte mo na naging tayo
kasi nagka boypren ka ng gwapo

parang wallet ko ang puso ko
walang laman kahit ni singko
naghihintay sana’y maibalik
ikaw sinta, sayo’y sabik